Search Recipe

Salamat Tita Cory, Paalam

(My Personal Tribute for Corazon Aquino)

Salamat Tita Cory, Paalam.
Ika-uno ng Agosto ng ika'y namaalam,
Ika-lima ng Agosto ng ika'y ihatid sa huling hantungan,
Maraming alaala ang bumalik sa iyong paglisan,
Mga alaala ng nakalipas na rebolusyon ng bayan.

Salamat Tita Cory, Paalam.
Ika'y itinuring na ina ng demokrasya,
Kalayaan ng ating bayan ngayon ay tinatamasa,
Bilang papuri sa iyong kontribusyon,
Dilaw kong damit ay isinuot ngayon.

Salamat Tita Cory, Paalam.
Sa wakas ay iyo ng makakapiling ,
Si Ninoy na iyong mahal magpahanggang libing,
Kapayapaan sa Langit ang Panalangin ko para sa'yo,
Mahal nating Panginoon ngayon ay kapiling mo.

Salamat Tita Cory, Paalam.


-L.A.B.05 Agosto 2009

2 comments:

  1. I loved Corazon Aquino too a really gaorgeous woman! Gloria

    ReplyDelete
  2. hi gloria. that's true. she was well loved and well respected too.

    ReplyDelete

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin